-- Advertisements --

Muling magkakasa ang mga transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ng isa pang transport strike bago ang banta ng crackdown sa unconsolidated public utility jeepneys (PUJs).

Sinabi ni Mody Floranda, presidente ng Piston, na maraming posibilidad ang maaaring mangyari sa pagitan ngayon at Enero 31, ang deadline para pagsama-samahin ang mga sasakyan sa ilalim ng public utility vehicle modernization program.

Aniya, sa Enero 24, ang House committee on transportation ay muling magsasagawa ng panibagong imbestigasyon at dadaluhan ito ng kanilang grupo.

Hiniling ng Piston sa high tribunal noong Disyembre 21 na itigil ang pagpapatupad at sa huli ay i-void ang mga utos ng gobyerno na may kaugnayan sa PUVMP.

Sa kanilang petition for certiorari and injunction, kinuwestyon ng grupo ang legalidad ng Disyembre 31 na deadline na itinakda para sa PUVMP at humiling ng pansamantalang restraining order upang pigilan ang pagpapatupad nito hanggang sa malutas ang kanilang kaso.

Hiniling din nito sa korte na ideklara ang utos na nag-formalize sa modernization plan at circulars para sa consolidation bilang null and void.

Nauna nang sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na huhulihin ang mga unconsolidated jeepney dahil maituturing na itong mga colorum operations pagkatapos ng deadline sa Enero 31.