-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Walang transport groups sa Region 12 na sasali sa isasagawang tigil pasada sa susunod na linggo.

Ayon kay retired Col.Renato Padua, regional director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) 12 na ito ay dahil 100% compliant ang Rehiyon 12 sa Public Utility Vehicles ( PUV) modernization program ng gobyerno.

Kahapon ay nagsagawa ng press conference ang mga transport groups sa lungsod at inihayag ang suporta sa gobyerno.

Nagpag-alaman na ang lungsod ng Heneral Santos ay pilot area ng modernization program kung saan ang lokal na gobyerno na ang gagawa na rota ng mga pampublikong sasakyan na tinatawag na Local Public Transport Route Plan (LTPRP).

Sa ngayon maraming mga modern jeeps o mini bus ang bumubiyahe sa lungsod na bahagi ng modernization program ng pamahalaan.