-- Advertisements --
Nagdesisyon ang transport minister ng Taiwan na bumaba sa puwesto matapos ang madugong aksidente nang magbanggaan ang dalawang train na ikinasawi ng mahigit 50 katao.
Ayon kay Transport Minister Lin Chia-lung na agad na itong magbibitiw kapag tuluyan ng natapos ang rescue operations.
Inaako raw niya lahat ang nangyaring aksidente.
Bago ang anunsiyo nito, kinausap na niya ang opisina ni Premier Su Tseng-Chang na ito ay magbibitiw sa puwesto dahil sa nasabing kapabayaan.
Magugunitang dalawang train ang nagbanggaan ng madiskaril ang isa sa kanila sa Hualien City Taiwan.
May lulan ang nasabing train ng kabuuang 500 na pasahero.