-- Advertisements --

Sugatan ang Transport Minster ng Uganda habang patay ang anak nitong babae matapos na sila ay atakihin ng mga armadong kalalakihan.

Ayon sa imbestigasyon, pinagbabaril ng mga armadong suspek ang sasakyan ni General Katumba Wamala malapit sa harap ng kanilang bahay sa Kampala.

Napatay ang 26-anyos na anak nitong si Brenda Nantogo at driver nila na si Haruna Kayondo.

Lulan na ng mga motorsiklo ang nasabing mga mga suspek.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril sa opisyal ng Uganda.

Nagsilbi bilang hepe ng kapulisan si Wamala at namuno rin sa sundalo.