-- Advertisements --
DOTr BAUTISTA

Mahalaga umano ang magiging parte ng completion nitong mga transport projects sa pag unlad ng ekonomiya at tourism growth habang nagbibigay ng job opportunity sa tao.

Ito ay magbibigay rin ng safe at masayang biyahe sa mga turista.

“We at the Department of Transportation will steer those multi-sectoral initiatives towards a common goal – a better travel experience for all,” ayon pa kay DOTR Secretary Jaime Bautista.

Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Transportation na maraming mga transport project ang inaasahang matatapos bago pa ang pangalawang State of the Nation Address ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr.

Kabilang sa mga proyektong ito ay ang mga kalsada, ilang paliparan pati na ang mga ports.

Ang completion ng mga proyektong ito ay malaki ang maitutulong sa pagpapabuti at pagsasaayos ng serbisyon ng transportation sector.

Sa ngayon ay finafinalize na ng ahensya ang contract packages sa ilang mga railway projects sa bansa.

Ang mga proyektong ito ay inaasahang matatapos sa mga susunod na taon.