NAGA CITY- Nagbanta ang grupong One Unified Transport Alliance of the Philippines (One UTAP) sa pamahalaan sakaling tuluyan nang ipatupad ang implementasyon ng Jeepney Modernization Program sa Hulyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Exequiel P. Longares, National President ng nasabing grupo, sinabi nitong hindi pa handa ang transport sectors sa agarang pagbabago na nakatakdang ipatupad ng pamahalaan.
Ayon kay Longares, sakaling ipilit ng pamahalaan ang nasabing polisiya sa Hulyo, maaring magresulta ito sa isang pag-aaklas.
Aniya, subalit hindi pa nila sasabihin ang planong nais nilang gawin naninindigan aniya sila na mayroong silang tiyak na hakbang na maaaring makaapekto sa lahat.
Sa kabila nito, tiniyak naman hindi sila kontra sa nasabing polisiya subalit hangad lang lang nila ang sapat na oras at panahon.
Kung maaalala, una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na epektibo ang implementasyon ng nasabing polisiya sa Hulyo at ang hindi tumalima dito maaaring marevoke ang prangkisa.