-- Advertisements --

Wala umanong makakapigil sa isasagawang tigil pasada sa buong bansa ng mga transport groups sa Setyembre 30 bilang protesta sa panukalang pahseout ng mga jeepney at UV Express service vehicles sa susunod na taon.

Una nang sinabi ng pamahalaan na bahagi ito ng patuloy na modernisasyon sa mga Public Utility Vehicle (PUV).

Binatikos ni Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) President Efren de Luna ang nasabing programa, na umano’y panlilinlang lamang ng pamahalaan.

Iginiit ni De Luna, walang direktang mapautang ang mga ahensiya ng gobyerno sa mga jeepney drivers para makabili sila ng mga bagong sasakyan o jeep.

Ikinasasama din aniya ng loob ng mga tsuper ang atas ng DOTr at LTFRB na kanilang boluntaryong isuko ang hawak nilang mga prangkisa nang walang katiyakan kung maibabalik ito.

Ang nabanggit na transport strike ay pangungunahan ng ACTO, PISTON, at Stop and Go.