GENERAL SANTOS CITY – Hawak ngayon ng mga welgista ang mga night market, ilang mga mall pati na mga university sa Hong Kong.
Ito ang iniulat ni Bombo correspondent Annie Prayor Gornes na nasa Kolontong, Hong Kong.
Ayon pa sa kanya kagabi pwersahang ipinalabas ng Hong Kong police sa Polytechnic University ang mga mag-aaral na nagkampo sa nasabing lugar.
Kontrolado rin ng ng mga nagra-rally ang Chinese University habang nagpatuloy na umiinit ang sitwasyon doon.
Sila man daw na mga OFW ay patuloy na nakipag-ugnayan sa konsulada nga huwag pumunta sa mga lugar na merong welga.
Pahirapan din ang transportasyon dahil hanggang alas-11:00 ng umaga na lamang ang biyahe ng MTR pati na ang ibang mode of transportation dahil sa sira-sira ang daan gawa ng mga protesta.
Dagdag pa nito, na sumakay na rin daw ang ibang bansa sa nasabing gusot kaya’t nahirapan maapula ang umiinit na tensyon.
Maliban sa pagsira sa mga daan naglagay din ng mga barikada ang mga mag-aaral na mga welgista.