-- Advertisements --

NAGA CITY – Lahat na umano ng transportasyon sa Hong Kong ang apektado dahil sa epekto ng malawakang kilos-protesta.

Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nito na hindi na makabiyahe pa ang mga tren, bus, taxi at kahit mga flights sa airport.

Lahat na aniya kasi ng sektor ay sumama na sa protesta mula sa pitong malalaking distrito sa nasabing lugar.

Maging ang mga trabaho ay apektado na rin daw dahil sa walang masakyan at ang ilang drivers ay sumama na rin sa pagmamartsa.

Samantala, mas tumitindi ang pinsala na dala ng kaguluhan sa lugar matapos na atakehin ng mga protesters ang maraming tanggapan ng pulisya.

Sinasabing pinaulanan ng malalaking bato ang mga himpilan ng pulisya gamit ang malalaking tirador na ino-operate ng tatlong tao.

Kaugnay nito, nakatakdang humarap muli sa media si Chief Executive Carrie Lam ngayong hapon.