-- Advertisements --

Nanumpa na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong araw sa palasyo ng Malakanyang ang bagong talagang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Secretary Vince Dizon.

Binigyang-diin ng Pangulo kay Dizon na bilisan ang mga proyekto sa transport system ng sa gayon maibsan na ang paghihirap ng mga commuters sa pag commute patungo sa kani-kanilang mga trabaho araw-araw.

Sinabi ni Dizon, direktiba ni PBBM na itulak ang Public Private Partnerships.

Kabilang sa prayoridad ng Pangulo na bilisan ang subway project dahil kinukunsidera itong game changer, ang north south commuter railway project, airports at mga pantalan.

Sa pagharap sa media ni Dizon sinabi nito na palalakasin nito ang Edsa busway dahil malaking bagay ito sa mga commuters at kahit papaano naiibsan ang hirap sa pagbiyahe ng mga mananakay.

Ayon sa kalihim, hindi siya pabor na tanggalin ang bus carousel sa EDSA, bagkus maghahanap pa sila ng mga paraan para mapabuti pa ang serbisyo ng edsa bus way, subalit pabor din si Dizon na iprivatize ang Edsa busway.