-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY -Nagsagawa ng Transportation security summit nitong araw ang Police Regional Office (PRO)12 kasunod ng nangyaring pamomomba sa isang bus sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Major Rizza Hernaez, Assistant PIO ng PRO 12, natalakay sa nasabing pagtitipon ang mga maaaring security at strategic measures na gagawin ng mga bus company laban sa mga masasamang elemento.

Sa kanyang pahayag, kailangang paigtingin pa ang pag-imbestiga sa insidente bagamat natukoy na ng otoridad ang isa sa mga suspek na kilala na si Esmael Daomilang.

Nabatid na ang suspek ay isa sa 11 na nasugatan sa insidente.

Ang summit ay dinaluhan ng management ng ibat-ibat mga bus company ng Region 12, Armed Forces of the Philippines, Department of Transportation, Office of the Transport Security at iba pang Law Enforcement Unit.

Umaasa naman si Hernaez na sa pammagitan nito matutukan at mabigyang aksyon ang pamomomba ng mga bus na umanoy kagagawan ng mga local threat group o mga teroristang grupo at maiwasan na rin na muli itong mangayari.

Matatandaang isa ang patay habang 11 ang sugatan sa pamomomba.

Tinutugis na ng mga otoridad ang dalawa pang kasabwat ng naarestong suspek sa pambobomba sa isang bus sa Tacurong City, Sultan Kudarat.