Welcome sa gobyerno ng Canada ang pagbabalik ng tone-tonelada nilang mga basura na itinambak dito sa bansa.
Ayon kay Canadian Environment Minister Catherine McKenna, masaya raw ito na sa wakas ay naresolbahan na ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Minister of Foreign Affairs Chrystia Freeland dahil naging maayos ang pakikipag-ugnayan nito kay Foreign Secretary Teddy Boy Locsin.
Narito ang pahayag ni Minister of Foreign Affairs Chrystia Freeland.
Una rito, nagpahayag na rin ang bansang Malaysia na ibabalik nito ang halos 450 tonelada ng basura mula sa kanilang bansang pinanggalingan tulad ng Australia, China, Japan, at United States.
Ilang taon ding nakatatanggap ng basura ang China mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ngunit itinigil nila ang pagtanggap ng mga basura dahil nais nilang simulan na linisin ang kanilang kapaligiran.
“We’ve seen pristine communities… transformed into dumpsites because of a tsunami of waste shipments from the US, UK and Australia as a result of the China ban,†saad ni Von Hernandez, ang global coordinator ng Break Free From Plastic advocacy group.