-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- naging maayos ang isinagawang traslacion ng replica ng itim na Nazareno na pinangunahan ng City of Ilagan Gay Association o CIGA kahapon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Peterson Patriarca, Presidente ng City of Ilagan Gay association o (CIGA), na nagsimula ang traslasyon sa Ilagan City Hall patungo sa City terminal .
Dahil kontrolado ang mga dadalong deboto ng replika ng Itim na Nazarreno ay napagpasyahan ng CIGA na ituloy ng Traslasyon sa kabila ng pagpapaliban ng Traslasyon ng Imahe ng Itim na Nazarreno sa Quiapo Church dahil sa banta ng covid 19.
Tinatayang nasa 50% lamang ng mga deboto ang sumampa o sumama sa traslacion na karamihan ay nagmula sa Lunsod ng Ilagan.