Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang buong hanay ng Commission on Human Rights hinggil sa isyu ng umano’y traumatic strip searches sa New Bilibid Prison sa mga pamilya ng PDLs na dumadalaw sa naturang bilangguan.
Ayon sa kumakalat na ulat, pinagpapatupad ng mga screening officer ang mga dalaw ng mga PDL.
Paliwanag pa ng komisyon, ang naturang paraan ng pagsi-search ay nakakaalarma.
Giit ng CHR, kailangan pa rin ang pagsasaalang-alang sa dignidad ng mga dalaw na nagtutungo sa mga jail facilities sa bansa.
Sa kabila nito ay tiniyak naman ng komisyon na kanilang kinilala ang kahalagahan na masigurong walang ilegal na kontrabado ang makakapasok sa mga piitan.
Kailangan pa rin aniyang huwag malagay sa alanganin ang karapatan ng bawat isang tao.
Kung maaalala, noong nakalipas na taon ay parehong pahayag din ang inilabas ng ahensya.
Naiulat kasi doon ang parehong strip searches sa mga bisita sa isang jail facility sa Metro Manila.
Bagamat mayroon aniyang mga guideline ang Bureau of Jail Management and Penology na ipinatutupad, dapat ay maging maingat pa rin sa pagpapatupad nito.