-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naglabas na ng travel advisory ang Department of Tourism (DOT) regional office hinggil sa mga turistang pupunta sa mga lugar sa Bicol na idineklarang dengue hotspot.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni DOT-Bicol director Benjamin Santiago na hakbang ito ng ahensya kasunod ng pagdedeklara ng Department of Health ng National Dengue Epidemic kamakailan.

Nilinaw ni Santiago na hindi lahat ng lugar sa rehiyon ay dengue hotspot pero para na rin daw sa kaligtasan ng mga bibisita ay ipapatupad nila ang naturang preventive measure.

Batay sa datos ng DOH-regional office 5, nasa 80 barangay ang dengue hotspot.

Sa ilalim ng bilang naitalang 26 na kaso sa Camarines Sur; Sorsogon, 10; Albay, 20; Masbate, 6; at Catanduanes, 13.

Kabilang rin ang Bicol sa mga rehiyon sa bansa na lagpas na umano sa epidemic threshold ang dengue cases.

Sa kabila nito, nilinaw naman ng opisyal na nananatiling “safe destination” ang rehiyon.