Kinumpirma ng Office of the President na inaprubahan nila ang travel authority ni Vice President Sara Duterte na bumiyahe sa the Netherlands.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na nitong Martes ng alas-8 ng gabi o ilang oras bago ang paglipad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte patungong the Hague para harapin ang kasong crime against humanity sa International Criminal Court dahil madugong anti-drug war nito.
Dakong 7:40 ng umaga ng Miyerkules ng bumiyahe na ang bise presidente sa The Netherlands.
Una ng sinabi ng Vice President na hihingi ito ng permiso sa ICC para personal na makausap ang ama at talakayin ang mga legal na hakbang.
Magugunitang dakong 11:55 ng gabi ng dumating ang chartered flight na sinakyan ng dating pangulo at ito ay dinala agad sa ICC detention center.