-- Advertisements --

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakasalalay sa magiging rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) kung magpapatupad ng mas malawak na travel ban ang Pilipinas.

Sa ngayon, umiiral ang temporary ban sa mga manggagaling mula sa buong mainland China, Hong Kong at Macau.

Sinabi ni Pangulong Duterte, susunod lamang sila sa kung ano ang regulasyong ipapatupad ng WHO para labanan ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Pangulong Duterte, hawak ng WHO ang lahat ng impormasyon kaugnay sa nCoV kung kaya ito rin ang mas nakakalaalam kung ano ang nararapat gawin.

Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na handang tumulong ang gobyerno ng Pilipinas sa mga Chinese nationals na nandito sa Pilipinas na at apektado ng travel ban.