-- Advertisements --
ILOILO CITY – Pinalawig ng mga local government unit (LGU) sa Western Visayas ang travel ban ng mga travelers mula sa NCR plus, Cebu City at Davao City papasok sa rehiyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr, sinabi nito na sakop ng moratorium ang mga Locally Stranded Individual (LSIs) at Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Ayon kay Defensor, ang nasabing hakbang ang naisip nilang solusyon upang hindi makapasok sa Western Visayas ang new variant ng COVID-19 na mas nakakahawa.
Kapag naaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases magtatagal ang moratorium hanggang sa Abril 17.