-- Advertisements --

Pinalawig pa ng bansa ang mga travel ban dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na paliwigin ang travel restrictions hanggang Agosto 15 sa mga bansang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia at Thailand.

Nasa green list naman o mga low risk ng COVID-19 ang mga bansang Albania, Kosovo, Laos, Hong Kong, Hungary, New Zealand, China at iba pa.

Ang mga fully vaccinated na mga Pilipino mula sa mga nabanggit na mga bansa ay kailangan sumailalim pa ng pitong araw na facility quarantine.