Nakatakda nang ipatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang travel ban sa mga pasaherong magmumula sa apat na bansa simula ngayong araw.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ito ay para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) disease partikular na ang Delta variant.
Sinabi ng BI chief na kabilang dito ang mga bansang Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.
Ang naturang hakbang ay mula naman sa direktiba ng Inter-Agency Task Force against covid19 for the Management of Emerging Infectious Diseases ( IATF).
Kasama sa mga hindi muna papayagang makapasok sa bansa ang mga biyahero na manggagaling sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw.
Magtatagal ang travel ban sa apat na bansa hanggang sa Setyembre 30.
“Classified under the yellow list are those countries, jurisdictions, and territories that the IATF deem as ‘moderate risk. The general travel restrictions is still in effect. Only Filipinos, balikbayans, and foreigners with valid and existing visas are allowed to enter the Philippines. Tourists remain restricted from entering,” ani Morente.
Una rito, naglabas din ang BI ng updated na listahan ng mga bansang puwede nang makapasok sa bansa.
Pero kailangan pa rin ng mga itong sumailalim sa kaukulang quarantine protocols.
Ang mga biyahero naman na magmumula sa mga bansa na ikinokonsiderang nasa moderate risk ng covid ay pinapayagan na makapasok sa bansa.