Inanunsyo ng California na idinagdag nito sa kanilang “travel ban” list ang Iowa dahil sa pagbabawal ng naturang rehiyon na pondohan ang gender-transition surgeries sa ilalim ng Medicaid.
Ibig sabihin lamang nito na simula Oktubre 4, hindi na mag-aalok ang California ng taxpayer-funded trips patungong Iowa paa sa mga pampublikong empleyado o estudyante mula state-run university.
Ayon kay Attorney General Xavier Becerra, pinagbasehan umano nila ang 2016 California law na nilagdaan ni former Gov. Jerry Brown. Ito ay kung saan pinagbawalan ang kahit anong uri ng state-funded travel lalo na sa mga bansa na binbalewala lamang ang karapatan ng LGBT community.
Kasama sa naturang blacklist ang Alabama, Kentucky, North Carolina, Texas, Oklahoma at Mississippi.
“The Iowa Legislature has reversed course on what was settled law under the Iowa Civil Rights Act, repealing protections for those seeking gender-affirming health care,”
“California has taken an unambiguous stand against discrimination and government actions that would enable it.”