-- Advertisements --
Panelo
Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo

Inianunsyo ng Malacañang na nagdesisyon na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na magpapatupad na rin ng ban na makapasok ng Pilipinas ang mga biyaherong manggagaling mula North Gyeongsang province ng South Korea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, magsasagawa pa ng risk assessment ang task force sa loob ng 48 oras kung kailangang palawakain ang mga lugar sa South Korea na sasaklawin ng travel ban.

Ayon kay Sec. Panelo, sa ngayon ay ipapairal muna ang mahigpit na protocols sa mga manggagaling sa ibang bahagi ng South Korea.

Papayagan naman ang mga Pilipino na makabiyahe ng South Korea kung sila ay permanent residents doon, aalis para mag-aral o kaya overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho doon.

“The IATF has authorized Filipinos to travel to South Korea, provided that they are permanent residents thereof, leaving for study, or are overseas Filipino workers therein. They are to execute and sign a declaration, signifying their knowledge and understanding of the risks involved, prior to their travel,” ani Sec. Panelo. “With respect to other parts of South Korea, the IATF shall conduct a risk assessment of the situation in the aforesaid country within 48 hours to analyze whether it is necessary to expand the travel ban thereto. In the meantime, strict protocols with respect to travelers entering the country from these areas in South Korea will continue to be observed.”

sOkOR mAP