Mismong ang gobyerno ng China ang nagpatupad na rin ng travel ban sa kanilang mamamayan patungo sa siyudad ng Wuhan dahil sa outbreak ng new coronavirus.
Maging ang paglabas ng mga residente sa Wuhan ay pinagbabawal muna ng mga otoridad.
Ito ay makaraang maitala na siyam na ang nasawi at halos 500 na ang kinapitan nang tinaguriang misteryosong sakit.
Ang Wuhan City ay merong popolasyon na 8.9 million.
Pinagsabihan ang mamamayan nila na iwasan muna ang matataong lugar at pagsasagawa ng mga public gatherings.
Ang hakbang ng China sa kabila ng selebrasyon ng Lunar New Year.
Inamin ngayon ng mga otoridad sa China na ang kanilang bansa ay nasa “most critical stage” sa prevention at control.
Una nang kinumpirma ng China ang human-to-human transmission ng virus na nakuha umano sa isang seafood market.
Ang virus na opisyal na tinawag na 2019-nCoV ay bagong nadiskubre o strain na kumapit sa isang tao.
Kabilang sa mga senyales ng infection ay pagkakaroon ng respiratory symptoms, lagnat, ubo at kinakapos sa paghinga.
Ang iba pang mga bansa na nakapagtala na rin ng kaso ay sa Amerika, Japan, Thailand at South Korea.