-- Advertisements --

Pinalawig pa ng gobyerno ng Pilipinas hanggang Enero 31, 2021 ang travel restrictions sa mga foreign travelers mula sa 32 bansang may kumpirmadong bagong variant ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang nasabing extension ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kahapon.

Kasama sa mga saklaw ng travel restrictions ang mga manggagaling mula sa United Kingdom; Denmark; Ireland; Japan; Australia; Israel; The Netherlands; China (kasama ang Hong Kong); Switzerland; France; Germany; Iceland; Italy; Lebanon; Singapore; Sweden; South Korea; South Africa; Canada; Spain; United States; Portugal; India; Finland; Norway; Jordan; Brazil; Austria; Pakistan; Jamaica; Luxembourg at Oman.

Ang nasabing entry ban ay nakatakda sanang magpaso ngayong araw, Enero 15.