Nagpatupad na rin ng Travel restriction ang Australia para sa siyam na bansa mula sa South Africa, isang araw matapos ihayag ng World Health Organization (WHO) bilang variant of concern ang bagong strain ng COVID 19 Virus na Omicron.
sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Denmark Suede, Pinoy nurse sa Sydney, Australia sinabi niya na pinangangambahan ngayon ang mas nakakawahang Omicron variant ng COVID-19 dahil mayroon itong 32 mutation na mas marami kumpara sa 13 mutations ng Delta variant.
Aniya ang Omicron variant ay pinangangambahan ngayon bilang mas nakakahawang strain ng COVID-19 na umaatake sa immune cells at Pathogens ng isang tao
Paliwanag ni Nurse Suede na isa sa mga characteristics ng virus ang pagmutate kada dalawang linggo gayunman hindi lahat ng mutation ay nakaka-survive at ang tanging nagkaka-survive lamang ay ang mga pinangalanang variants of concern ng WHO.
Inaasahan na ang pagpapalabas ng mga karagdagang datos ng WHO may kaugnayan sa Omicron variant sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Posible rin na dahil sa bagong variant ng COVID 19 ay itataas ang dosage na ibibigy bilang booster dose sa mga fully vacinated na.