-- Advertisements --
Boracay Airport own photo
Bombo Nes Cayabyab-Mercado’s photo

KALIBO, Aklan – Hindi na mapigilan ng mga travel and tours company sa Aklan ang uminda sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa buong mundo.

Kasunod ito ng paghina ng kanilang negosyo dahil sa kawalan ng mga turista at bakasyunista na pumapasok sa probinsya partikular sa isla ng Boracay.

Ayon kay Wanda Fhae Reyes, tourist bus company supervisor, walang biyahe ang kanilang mga tourist bus mula pa noong Pebrero.

Dahil dito, kalahati ng kanilang mga empleyado ang pansamantalang ipina-indifinite leave habang ang iba ay inilipat sa ibang branch.

May clearance naman aniya ito mula sa Department of Labor and Employment-Aklan.

Dagdag pa ni Reyes, mula sa 100% o katumbas ng 500 hanggang 1,000 na guest ang ina-accommodate ng kanilang kompanya ay bumaba ito sa 30% kasama na ang mga booking at pawang mga domestic tourist pa.

Sa kabila nito, nananatiling positibo ang mga empleyado sa pag-asang hindi sila tuluyang mawalan ng trabaho kahit na inanunsyo ng Department of Health na tumataas na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.