-- Advertisements --

Kailangan daw ipatupad ulit ng pamahalaan ang 14-day quarantine period para sa lahat ng mga travelers mula Hong Kong kahit negatibo ito sa RT-PCR test ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

hong kong 1

Ito ay sa gitna na rin ng banta ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron variant.

Sinabi ni Philippine Foundation for Vaccination director Dr. Lulu Bravo, mula sa dating 10 days na quarantine ay mas mainam na gawin itong 14 para mas sigurado.

Dapat din umanong mag-quarantine pa ng tatlong araw ang isang traveller mula Hong Kong kapag dumating sa bansa kahit negatibo ito sa RT-PCR.

Kung maalala nananatiling nasa “yellow list” ng bansa ang Hong Kong kahit mayroon nang mga hirit sa Department of Health (DoH) at ilang ekspertong magpatupad na ng travel restrictions sa mga rehiyong sakop ng Chinese territory.

Sa ilalim ng yellow list, required ang mga travelers na sumailalim sa facility-based quarantine pero papayagan naman ang mga itong ma-discharge sa mga pasilidad sa sandaling nag-negatibo na ang mga ito sa COVID-19.