-- Advertisements --

Nahaharap sa massive $750 milyon ang mga rapper na sina Travis Scott, Drake at mga organizers ng Astroworld Music Festival sa Houston, Texas.

Ang kaso ay inihain ni Houston attorney Tony Buzbee na siyang naging representante ng 125 fans kabilang ang mga pamilya ng mga nasawi sa insidente.

Kasama sa kinasuhan ang Apple at Live Nation na siyang mga nasa likod ng music festival.

Laman ng nasabing kaso ang pagsagot sa physical at mental health injuries ganun din ang pagkawala ng buhay.

Magugunitang umabot na sa 10 katao ang nasawi sa nangyaring stampede sa nasabing concert.