-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan umano ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril sa isang traysikel driver sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Abdulwahab Hakan,20 anyos,binata at residente ng bayan ng Midsayap Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police,Lieutenant Colonel Benito Rotia na ihahatid lamang sana ng biktima ang kanyang pasahero na si Nando Hassan sa Brgy Poblacion 2 nang itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspect gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nagtamo ng tama sa braso at paa si Hakan at Maswerte naman na hindi tinamaan si Hassan.

Matatandaan na noong nakalipas na araw ay binaril patay rin ng riding in tandem suspects ang isang Giovannie Carriaga sa Brgy Poblacion 1.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dalawang magkasunod na pamamaril sa bayan ng Midsayap.