-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang paniningil sa bagong pagtaas sa NLEX Connector na magsisimula sa Okutbre 15, 2024.

Ayon sa TRB na ang nasabing adjustment ay bahagi ng programa nila na stagger basis ang collection sa pagbubukas ng NLEX connector at para hindi mabigla ang mga gumagamit ng expressway.

Ang nasabing initial rates ay unang naipatupad noong 2023 apat na buwan matapos ang pagbubukas ng Caloocan hanggang Espana section noong Marso.

Maipapatupad lamang ang full rates sakaling kumpleto ng matapos ang NLEX Connector Project.