-- Advertisements --
MASUNGI3
IMAGE | Masungi Georeserve Foundation

MANILA – Halos hindi na makilala ang isang bahagi ng kagubatan ng Upper Marikina Watershed sa Rizal dahil sa labis na pamumutol at pagsunog sa mga punong-kahoy.

Isiniwalat ng environmental conservation organization na Masungi Georeserve ang “tree massacre” na sinapit ng isang bahagi ng kagubatan.

“Inspecting a site of recent burnings, we saw what hell on earth might look like: scores of young trees cut down, multiple new structures and outsiders installed, large tracts of the protected area illegally burned and cleared. We were gutted,” nakasaad sa online post ng foundation.

Noong Abril nang matuklasan ng Masungi Georeserve ang mga insidente ng panununog sa isang bahagi ng watershed.

Sa ginawa raw nilang documentation kamakailan, natuklasan nila ang grupo ng mga nagpakilalang magsasaka na nasa likod ng mga panununog.

“We know from experience that transplanting people and using various dummies as fronts is a common tactic used by vested interests to occupy forest land.”

Gayunpaman, hindi kumbinsido ang organisasyon sa pakilala ng mga magsasaka dahil sa parehong bahagi ng kagubatan daw dineploy ng dalawang pribadong kompanya ang ilang armadong guwardiya noong nakaraang taon.

“Rublou Inc. and Green Atom Renewable Energy Corp. have installed armed guards since October 2020 without any proof of ownership or authority from the DENR.”

Ini-report na ng Masungi Georeserve sa mga otoridad ang insidente.

Habang hinihintay ang aksyon ng mga ahensya, nagtayo ng dagdag na checkpoint ang grupo sa paligid ng watershed para maharang ang mga magtatangkang mang-angkin at manira ng kagubatan.

“Persistent environmental violators must be immediately removed and barred from the critical watershed and protected area, which by law should be free from human exploitation.”

Nagsisilbing “larger ecosystem” ng conservation area na Masungi Georeserve ang Upper Marikina Watershed.

Malaki rin ang papel na ginagampanan ng watershed para hindi malubog sa baha at iba pang kalamidad ang malaking bahagi ng Metro Manila.

“Why should we care? Because the watershed is our only natural defense against disastrous flooding, scorching heat, the loss of clean water, and the extinction of our unique wildlife.”

Noong Martes nang magsagawa ng hiwalay na documentation mission ang Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police sa isa pang bahagi ng watershed kung saan naman naitala ang mga itinayong illegal resort.

Kung maaalala, iniulat din ng Masungi Georeserve ang pananakot sa kanilang volunteers ng mga nagtatayo ng iligal na establisyemento sa lugar.

“Their alliance with a professional squatting syndicate and certain dubious “priests” who are known to misrepresent the Catholic religion and promote illegal occupation inside the protected area have also been uncovered.”