CENTRAL MINDANAO – Nanguna si Datu Montawal Maguindanao Mayor Datu Otho Montawal, Vice-Mayor Datu Vicman Montawal, mga miyembro ng sangguniang bayan at mga kawani ng LGU-Datu Montawal kasama ang pulisya sa tree planting at clean up drive.
Ang clean up drive ay layun na simulan ang paglilinis sa mga lugar na pinamamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue sa lugar.
Sa ngayon ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa probinsya ng Maguindanao.
Sa pamamagitan ng paglilinis o pagpapatupad ng 4 o’clock habit ay mapipigilan ang paglobo ng dengue cases.
Ang pagtatanim din ng punongkahoy ay malaking tulong sa maginhawang kapaligiran at baha.
Nakiisa rin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno lalo na ang mga guro, estudyante, mga drug surrenderees sa tree planting at clean up drive sa bayan ng Datu Montawal.
Hinikayat rin ni Mayor Montawal ang mga paaralan at mga barangay opisyal na maglinis at magtanim ng punongkahoy.