-- Advertisements --
APO 1
APO tree planting sa Daang Kalikasan

Naging matagumpay ang ginawang service to the nation as fully participating ng Joint APO~PANGASINAN sa pangunguna ng ALPHA PI ALUMNI ASSOCIATION sa pamamagitan ng kanilang Presidente na si Atty. Mageryl Shay De Guzman at Wilbert De Vera, Alumni President ng Alpha Gamma Chapter jasama si Angelo Tandoc, VP ng CAFDC sa ginawang tree planting activity na may themang “PLANT A TREE, MAKE AIR COVID FREE” sa Daang Kalikasan, Mangatarem Pangasinan.

Sinabi pa ni Mar De Guzman, Bombo International Correspondent na naka base sa Hong Kong at nakikipag ugnayan sa APO~PANGASINAN ay dinaluhan din ito ni Mario Bustamante, Presidente ng APO~Eastern Pangasinan Alumni Association at Rodolfo Milles, Presidente ng APO~ Western Pangasinan Alumni Association.

Humigit kumulang na halos limang daan na seedling na nasa ibat~ibang puno ang naitanim nitong Agosto 30, 2020 sa nasabing tree planting activity ng APO.

Pinuri naman ni Mr Christopher Ilumin, Presidente ng CHRISMELBERRY AGRI FARM DEVELOPMENT CORPORATION na syang namamahala sa nasabing lugar ang APO dahil sa ginawa nilang activity.

Sabi nya ay hindi matatawaran ang ginawang tree planting ng APO dahil sila ay magiging bahagi ng kasaysayan ng Daang Kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno na magbibgay karangalan sa buong Probinsya ng Pangasinan at sa buong mundo dahil sa taglay nitong tourist attraction site na ngayon pa lang ay dinarayo na ng mga turista at lalo na kapag tuloyan ng napaganda ito.

Ang pagtatanim ng mga puno saang man parte ng lugar sa Pilipinas ay pakiki~isa din ng APO sa sangkatauhan para labanan ang pagkasira ng kalikasan dahil sa Global Warming.

Magugunita na ang APO na nanatiling matatag dahil sa paninindigan sa kanilang sinumpaan layunin at ito tobe a Leader, tobe a Friend and be of Service to Humanity.