-- Advertisements --

Naglabas ng show cause order ang Tri Committee laban sa ilang mga social media personalities, kabilang si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) chief Trixie Cruz-Angeles, dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa pagpapakalat ng pekeng balita at online disinformation.

Naglbas din ng show cause order laban kina Elizabeth Joie Cruz alias Joie De Vivre online; Krizette Lauretta Chu, Mark Anthony Lopez, Jun Abines Jr., Dr. Richard Tesoro Mata, Aaron Peña, Suzanne Batalla (IamShanwein) at Ethel Pineda.

Si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante ang naghain ng mosyon para maglabas ng show cause order laban sa mga nasabing personalidad.

Sinabi ng mga mambabatas hindi katanggap-tanggap ang mga dahilan na ibinigay ng mga ipinatawag na indibidwal dahilan na naglabas sila ng show cause order.

Naging mas mainit ang talakayan dahil agad tinanggihan ni dating PCO Secretary Trixie Cruz-Angeles ang imbitasyon ng Komite at kaniyang sinabi na unconstitutional ang pagdinig ng Tri Com.

Dahil dito kinuwestyion ni Rep. Stephen Caraps Paduano kung totoo bang abugado si Angeles .

Bukod sa pag isyu ng show cause order kay Angeles, nirefer din ng Komite ang kaso ni Angeles sa legal department ng House Department para sa posibleng disbarment complaint.