MOSCOW, Russia – Inalmahan ng Estados Unidos ang mga proseso ng paglilitis kay Evan Gershkovich, ang unang Amerikanong mamamahayag na nahuli sa mga alegasyon ng pag-espia sa Russia.
Si Gershkovich, 32, ay nahuli habang nagre-report para sa Wall Street Journal, kung saan siya sumali noong Enero 2022, ilang linggo bago ang full force na paglusob ng Russia sa Ukraine.
Bagama’t maraming media outfit ang nagtanggal ng kanilang mga reporter mula sa Russia, nanatili si Gershkovich, nag-uulat tungkol sa digmaan at kung paano ang development nito.
Ang paglilitis ay ginaganap sa lungsod ng Yekaterinburg, kung saan siya inaresto mahigit isang taon na ang nakakaraan at inakusahan ng pag-espiya para sa CIA.
Ang ilang footage ay nagpakita kay Gershkovich na nasa loob ng isang kulungan sa korte na nababalot ng salamin.
Itinanggi nina Gershkovich, gobyerno ng Estados Unidos, at ng WSJ ang mga alegasyon laban sa kanya.
Dalawang linggo matapos ang kaniyang pagkaka-aresto noong Marso 2023, inilagay siya ng US State Department sa category na illegally detained at humiling ng kanyang agarang pagpapalaya.
Sa paglilitis kay Evan Gershkovich ay hindi papayagan ang mga mamamahayag, kaibigan, kamag-anak, o mga tauhan ng embahada ng US sa loob ng korte, at inaasahang magtatagal ito ng ilang buwan.