-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang triathlon sports event na gaganapin sa isla ng Boracay.

Ayon kay Malay mayor Frolibar Bautista, kauna-unahan itong pagkakataon na isasagawa sa Boracay na lalahukan ng nasa 600 triathletes mula sa iba’t ibang panig ng bansa at ilang mga dayuhan mula naman sa ibayong dagat.

Dagdag pa ng alkalde na inaasahan ang nasabing event na hahakot ng maraming turista na makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya gayundin oportunidad ito para ma-showcase ang Boracay bilang isa ring sports tourism destination.

Wala aniyang inaayawan ang LGU kung kaya’t kaagad niyang tinanggap ang alok ng mga organizers na sa isla gaganapin ang malaking sporting event na magsisimula sa Oktobre 19 hanggang 22, 2023 kung saan, nasa P7,000 ang registration ng bawat partisipante.