BUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Trento, Agusan del Sur upang makilala ang responsable sa pagbaril-patay sa isang tribal chieftain kahapon.
Nakilala ang biktimang si Romulo Duron, residente sa Purok 7, Barangay Paradise ng nasabing bayan na tribal chieftain ng Sta. Josefa, Agusan Del Sur.
Ayon kay PMaj. Regino Precioso Jr, hepe ng Trento Municipal Police Station, dadalo lang sana ang biktima sa promulgasyon ng korte kungsaan siya ang nanalo sa kasong kanyang isinampa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na kasama pa umano ng biktima ang kanyang asawa na hindi naman nakasaksi sa nasabing insidente dahil nagpa-prenatal I ito sa kalapit na Rural Health Unit.
Lumabas sa kanilang imbestigasyon na nilapitan ng naka-facemask na suspek ang naka-upo lamang na biktima at binaril sa likurang bahagi kanyang ulo na tumagos sa kanyang mukha sanhi ng agaran niyang kamatayan.
Napag-alamang ang napanalunan nitiong kaso ay may kaugnayan sa awayan ng lupa na posibleng syang dahilan ng kremin.
Makikipag-ugnayan ngayong araw si Precioso sa mga barangay officials at sa hepe ng Sta. Josefa Municipal Police Statgion upang kanilang malaman ang background ng biktima.