Inamin ngayon ng isang nagpapakilalang tribal leader na si Datu Higyawan Na Holag-Ayan na kinakanlong nila ang founder ng Kabus Padatoon (KAPA) na si Joel Apolinario.
Sa kabila ito ng paghahanap ng mga otoridad, dahil sa kinakaharap na mga kaso ni Apolinario dahil sa KAPA investment scam at iba pang reklamo ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Sa kanilang press conference sa San Juan City, sinabi ni Datu Higyawan na hindi maaaring hulihin ang KAPA leader dahil nasa hurisdiksyon nila ito.
Iginigiit Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (IPRA) na nagbibigay daw ng proteksyon sa mga tribu para sa kanilang mga aktibidad sa loob ng ancestral domain.
Pero sa hiwalay na pahayag ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sinabi ni Dir. Geroncio Aguio na hindi nila kinikilala ang grupo ni Higyawan.