-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Ang tribute to light ay syang magiging highlight sa pagbalik-tanaw ng Estados Unidos sa ika-22 anibersaryo ng 9-11 terror attack na kumitil ng mahigit 3-libong katao.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Ferdinand Nakila, na ito ay kabibilangan ng 7,000-watts na mga ilaw na porma ng Tiwn Tower na ipapakita sa kalangitan bilang pagbalik-lntaw na mga tina-target ng Al Qaeda sakanilang pang-aatake .
Andyan pa ang pagpapakita ng mga artworks para sa mga namatay at ang pagdagdag na rin sa listahan ng mga nasawi ilang buwan o taon matapos ang terror attack dahil sa sakit na kanilang natamo matapos ma-expose sa toxic chemicals na hatid ng pang-aatake.