DAVAO CITY – Pinagbawaan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dabaw ang mga government at private offices, restaurants, business establishments, home associations, community organizations, barkadahan, tropa, mga simbahan at iba pang kahalintulad na mga grupo, associations at mga organizations sa pagsasagawa ng trick-or-treat at iban pang mga Halloween events ngayong taon.
Maliban nito, mahigpit ring pinagbabawal ng Davao City LGU ang pagsasawaga ng mga christmas parties at iba pang mga holiday celebrations sa lungsod ng Dabaw.
Ito ay batay na rin sa inilabas na paalala ng mga health officials at mga infectious disease experts sa kadahilanang magbibigay lamang ito ng mataas na resgo na makahawa ng nakamamatay na coronavirus.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga dabawenyos nga manatili lamang sa kanilang mga bahay at iwasan ang mga pampublikong lugar kung saan magtitipon-itpon ang maraming mga tao upang maiwasan ang expose at transmision ng covid 19.