-- Advertisements --

LAOAG CITY – Arestado ang isang tricycle driver sa Ilocos Norte matapos umanong tangkain na molestiyahin ang isang menor de edad sa bayan ng Sarrat.

Kinilala ang salarin na si Jesus Feliciano, 41, residente ng Brgy. Sto. Santiago.

Ayon kay C/Insp. Roldan Suitos, chief of police ng Sarrat PNP, sinamantala ni Feliciano ang pagkakataon nang bumaba na mula sa kanyang motorsiklo ang dalawang kasama ng 14-anyos na biktima.

Agad daw dinala ng suspek ang dalaga sa isang sementeryo at akmang gagahasain.

Bagamat hindi natuloy si Feliciano sa umano’y plano ay nagsumbong pa rin ang biktima matapos ihatid pauwi nito.

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang suspek matapos makuhaan din ng armas at mga bala ng baril.