-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang top 3 wanted person city level sa Rizal Avenue, District 2.
Ang inaresto ay si Macario Barbosa, 53 anyos, may-asawa , tsuper ng ticycle at residente ng Del Pilar, Alicia, Isabela.
Ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station ay isinilbi ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Raul Babaran, ng RTC Branch 19, Cauayan City, laban sa suspek.
Si Barbosa ay nahaharap sa kasong pagpatay at bigong pagpatay.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na dinala sa himpilan ng pulisya bago ipasakamay sa court of origin.