-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Barangay Brgy. Tarusanan, Milaor, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Freddie Reapor, 32-anyos, residente mula sa lungsod ng Naga.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na una nang ipinaabot sa mga otoridad ang nasabing impormasyon ng mismong Barangay kapitan sa nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon, habang sakay ang biktima ng mismong tricycle nito papuntang Barangay Tarusanan, Camaligan ng bigla nalamang umano itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nabatid na gamit ang caliber.45 ay nagtamo ang biktim ng tama sa kanyang katawan na nag resulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Kaugnay nito agad namang nakatakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa ngayon nag papatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.