-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang tricycle driver pagkatapos na pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Agaton Arellano De Silva, 48-anyos, residente ng Brgy. Buenavista East, sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad aniya ang biktima sa footbridge ng Brgy Malabanban Norte, Candelaria, Quezon nang bigla na lang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at bigla na lang nitong pinagbabaril ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na kaagad na binawian ng buhay ang biktima ng pamamaril habang kaagad naman na tumakas ang suspek pagkatapos isagawa ang krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa insidente, pati na ang paghanap sa pagkakakilanlan at presenteng lokasyon ng nabanggit na suspek.