-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang Tricycle Driver sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Homidei Dadtugan Omar, 34 anyos, may asawa, tricycle driver at residente ng barangay Lagunde Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan na habang namamasada ang biktima sa Barangay Poblacion Pikit Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Naisugod pa ang biktima sa Cruzado Medical Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.