-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang tricycle driver sa pamamaril sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Raffy Watamama,27 anyos, may asawa at residente ng Habitat Village Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City OIC Chief of Police Lieutenant Colonel Lauro Espida na habang lulan ang biktima sa kanyang traysikel sa bahagi ng Purok 1, Barangay Lanao, Kidapawan City ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin na naka-bonnet patungo sa direksyon ng City Proper.

Tinamaan sa ulo ang biktima at agad binawian ng buhay.

Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa nilang iniimbestigahan.