-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang tricycle driver sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ustadz Datukan na residente ng Barangay Galigayanen Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na habang minamaneho ng biktima ang kanyang pampasaherong traysikel sa bahagi ng Sitio Lapreza Barangay Ladtingan Pikit Cotabato ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo nang maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Rido o personal na alitan ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.