-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Humahagolgol sa pag-iyak ang isang tricycle driver na si Rosendo Racaza matapos kasamang sa na-abo ay ang kanyang ipong pera na umaabot sa 20,000 pesos na para sana sa pag-aaral ng kanyang anak.

Napag-alamang tinupok ng apoy ang kaniyang bahay at 4 na iba pa kaninang alas 8:17 ng umaga sa Purok 13-A, Brgy. San Vicente, Butuan City.

Nakita umano sa amang si Rosendo Racaza ang pagsisikap ng kaniyang anak na makatapos sa kolehiyo kahit na pamamasada lamang ng tricycle ang kaniyang hanapbuhay dahilang nag-ipon siya ng perang sa kaniyang alkansiya na bakal.

Katulad ng pagka-abo ng kanilang bahay, na-abo rin ang kaniyang inipon sa mahigit isang taon.