-- Advertisements --

KALIBO, Aklan-Nagpahiwatig ng pagtutol ang tricycle operators and drivers sa iminumungkahing papalitan ang kanilang gasoline-powered vehicle sa electric passenger tricycles sa bayan ng Kalibo, Aklan.

Ayon kay Johnny Damian, president ng Federation of Kalibo Tricycle Operators and Drivers Association Inc. (FOKTODAI), “impractical” umano ang isinusulong na programa ng Sangguniang Bayan ng Kalibo kahit na eco-friendly ito na maituturing.

Aniya, marami ang maaapektuhang mga sektor na naghahanapbuhay lalong lalo na sa modernization program ng transport sa naturang bayan.

Sa ngayon ay nasa 3,000 registered four stroke tricycles ang umaarangkada sa lansangan ng first class municipality at sentro ng komersyo sa lalawigan.

Ang motorized tricycle ay nanatiling primary mode of transportation ng Kalibo at pinagkukunan ng kabuhayan ng mahigit sa 3,300-strong members ng FOKTODAI.

Nabatid na ang e-trike program kasalukuyang ipinapatupad sa Malay, Aklan upang mabawasan ang pollution at decongestion traffic sa isla ng Boracay.