-- Advertisements --

Nabigo ang Royal Navy submarine sa test fire ng kanilang Trident missile.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nabigo ang Royal Navy sa kanilang missile test.

Personal na sinaksihan ni Defence Secretary Grant Shapps ng UK ang nasabing missile test.

Sa inisyal na pagtaya nito ay nabigo ang booster rockets kaya ito ay agad na bumagsak malapit sa launch site.

Sinabi nito na isang malaking kahihiyan sa panig ng US at UK manufacturers ng Trident missiles ang nangyaring kapalpakan.